-Closing Time
unhealthy habits
November 23, 2006Is it healthy to be snacking green peas? Nabili ko ito sa Filipino store, kay Mang Alex. Biro mo naman, isang supot ng Green Peas eh $1. Kung sa atin pa ito, dalawang piso lang ang presyo.
Hindi siya healthy sa bulsa, ano? Pero bahala na, na mimiss ko na kasi ang pagkain ng green peas at Ding Dong (sana lang si ding dong dantes hehe, pero hindi).
Nag aalala lang ako kasi puspusan ang akong pag e-excercise, sayang naman at mapupunta lang sa wala dahil sa kakakain ko ng green peas.
Kaya kung sino man sa inyo ang may alam kung nakakasama ba o nakakataba ba ang green peas, ipagbigay alam niyo sa akin sa pamamagitan ng pag komentaryo o di naman kaya sa shout box.
Salamat.


